Mga Tuntunin at Kondisyon ng Mga Miyembro
County ng San Mateo - Mga Tuntunin ng Paggamit
Ang Mga Tuntunin ng Paggamit (“Mga Tuntunin”) na itinatakda dito ay ituturing na isang kasunduang may bisa ayon sa batas sa pagitan ng County ng San Mateo na isang pulitikal na subdivision ng Estado ng California (“County”) at mga user ng User Application ng County (“User App” o “App”) tungkol sa paggamit ng App at anumang serbisyong ipinagkakaloob ng County sa pamamagitan ng App, kasama ang reward program ng county, gaya ng itinatakda sa mga tuntunin na ito, at alinsunod dito, bibigyan ng County ang Mga User ng County Points, na mare-redeem sa mga merchant at nonprofit organization na matatagupuan sa Teritoryo na sumang-ayong lumahok sa isang rewards program ng county (“Mga Redeeming Merchant”), para sa pagsasagawa ng Mga Kwalipikadong Pagkilos (“Programa”). Ang User App at ang Programa ay ginawa upang tulungan ang County na makipag-ugnayan sa mga user, magsulong ng mga layunin ng komunidad, mahikayat ang lokal na paggastos, suportahan ang mga lokal na negosyo, kung saan ang layunin sa pangkalahatan ay gawing mas masigla at konektado ang County. Bukod sa iba pang bagay, maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng County Points at pangangasiwa sa pag-redeem ng mga ito alinsunod sa mga tuntuning nakasaad sa ibaba.
1. Mga Depinisyon
a. Itinakda ang kahulugan ng “Account” sa Seksyon 2(c)(i).
b. Itinakda ang kahulugan ng “App” at “User App” sa Seksyon 2(b).
c. Ang “County Points” ay tumutukoy sa promotional value na ibinibigay sa Account ng User kapag naisagawa ang Mga Kwalipikadong Pagkilos sa
pamamagitan ng pagsali sa isang Alok na Reward at pagsasagawa ng mga kwalipikadong aktibidad na maaaring ipalit ng User sa mga produkto at serbisyo sa Mga Redeeming Merchant. Ang redemption value ng bawat County Point ay katumbas ng Isang U.S. Dollar ($1.00).
d. Ang “Alok na Reward” ay tumutukoy sa isang alok na reward na pinili ng County at na-publish sa pamamagitan ng App, na maaaring salihan ng Mga User at nagtatakda ng mga tuntunin upang makatanggap ang Mga User ng County Points, pati ng pagtukoy sa ilang partikular na kwalipikadong aktibidad na maaaring gawin ng Mga User upang makatanggap ng County Points, kasama ang Mga Kwalipikadong Pagbili.
e. Itinakda ang kahulugan ng “County” sa panimula.
f. Itinakda ang kahulugan ng “Colu” sa Seksyon 2(a).
g. Ang “Non-Redeeming Merchant” ay tumutukoy sa isang merchant na nasa Teritoryo na hindi isang Redeeming Merchant.
h. Itinakda ang kahulugan ng “Payment Card” sa Seksyon 3(c)(1).
i. Itinakda ang kahulugan ng “Platform” sa Seksyon 2(b).
j. Itinakda ang kahulugan ng “Programa” sa panimula.
1
k. Ang “Mga Kwalipikadong Pagkilos” ay tumutukoy sa isang pagkilos o hanay ng mga pagkilos, kung saan ang pagsasagawa ng mga ito ay itinalaga ng County sa isang Alok na Reward bilang kwalipikado para pagkalooban ng County Points ang Mga Account ng Mga User, alinsunod sa Kasunduang ito at sa mga tuntunin ng isang partikular na Alok na Reward para sa pagbibigay ng mga reward, kasama ang Mga Kwalipikadong Pagbili.
l. Ang “Kwalipikadong Pagbili” ay tumutukoy sa pagbili ng User ng mga produkto o serbisyo sa ilang partikular na merchant sa Teritoryo na natukoy sa Alok na Reward, sa pamamagitan ng Payment Card na naka-link sa App, at bilang pagsunod sa mga tuntunin at kondisyon ng Alok na Reward at Mga Tuntunin na ito.
m. Itinakda ang kahulugan ng “Mga Redeeming Merchant” sa panimula. n. Itinakda ang kahulugan ng “Mga Tuntunin” sa panimula.
o. Ang “Teritoryo” ay tumutukoy sa mga hangganan ng hurisdiksyon ng County ng San Mateo, California.
p. Itinakda ang kahulugan ng “Impormasyon ng User” sa Seksyon 2(c)(i). 2. Mga Pangkalahatang Tuntunin
a. Kinuha ng County ang Colu Technologies (US) Inc., na isang korporasyon sa Delaware (“Colu”) upang magbigay ng ilang partikular na serbisyo kaugnay ng isang government technology SaaS (Software as a Service) platform na magbibigay-daan sa mga munisipalidad at county na mahikayat ang civic engagement at community engagement, bukod sa iba pang bagay, sa
pamamagitan ng pagbibigay ng gantimpala sa mga residente sa pagsasagawa ng mga pagkilos na nagsusulong ng ilang partikular na estratehikong layunin (“Platform”).
b. Ang Platform ay may County branded mobile application na magagamit ng Mga User upang lumahok sa Programa (“App” or “User App”).
c. Mga Probisyon ng Pag-opt in:
i. Mag-o-opt in ang Mga User sa Programa sa pamamagitan ng (A) pag download sa App at (B) pag-sign in sa App at paggawa ng User account (“Account”) sa pamamagitan ng pagbibigay ng buong pangalan, numero ng telepono, email address, at iba pang impormasyon ng User, kasama ang, na binabanggit para magsilbing halimbawa at hindi limitasyon,
naturang impormasyon na maaaring ituring ng County paminsan-minsan na kinakailangan upang maiwasan ang panloloko (“Impormasyon ng
User”).
ii. Walang gagastusin sa paglahok.
iii. Dapat tanggapin at sang-ayunan ng Mga User ang Mga Tuntunin na ito sa pamamagitan ng pag-sign in sa App at pag-click sa mga naaangkop na button kapag na-prompt na gawin ito. Ang paggamit ng User sa App, pati ang paglahok sa Programa, ay napapailalim sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng App.
iv. Dapat pantilihin ng Mga User ang Account sa magandang status. Isinasaad at pinapatunayan ng Mga User na ang lahat ng Impormasyon ng User na
2
hihingin paminsan-minsan ay makatotohanan, tumpak, napapanahon, at kumpleto. Sumasang-ayon ang Mga User na hindi sila magsisinungaling kaugnay ng anumang pagkakakilanlan o Impormasyon ng User. Dapat ay abisuhan kaagad ng Mga User ang County tungkol sa anumang pagbabago sa Impormasyon ng User sa pamamagitan ng pag-update sa User Account sa App, o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa -.
v. Ang Patakaran sa Pagkapribado ng Colu ang sumasaklaw sa pagkuha, paggamit, pag-store, at pagsisiwalat ng Impormasyon ng User. Makikita ang Patakaran sa Pagkapribado ng Colu sa https://colu.com/colu-privacy policy.
vi. Dapat ay 18 taong gulang pataas ang Mga User upang makalahok.
vii. Isang Account lang ang maaaring gawin kada numero ng telepono, at maaari lang magkaroon ng isang (1) Account ang bawat indibidwal.
viii. Maaari mo lang i-access at gamitin ang App para sa sarili mong personal at hindi komersyal na paggamit.
d. Nauunawaan mo at sumasang-ayon kang maaari naming baguhin ang Mga Tuntunin na ito anumang oras nang walang paunang abiso. Maaari mong mabasa ang kasalukuyan at may-bisang kopya ng Mga Tuntunin na ito anumang oras sa User App, sa ilalim ng tab na About/Terms and Conditions. Agad na magkakaroon ng bisa ang mga binagong Tuntunin pagka-post sa mga ito. Susubukan naming ipaalam sa iyo kapag mayroong malalaki o mahahalagang pagbabago sa Mga Tuntunin, hal., sa pamamagitan ng email sa address na ibinigay mo sa amin noong nag-log in ka o sa pamamagitan ng komunikasyong gumagamit ng e-mail, ngunit wala kaming obligasyong gawin ito. Ang anumang paggamit ng App o pagtanggap ng points kapag na-post na ang mga binagong Tuntunin ay ituturing bilang pagtanggap mo sa mga naturang binagong Tuntunin. Kung hindi katanggap-tanggap para sa iyo ang anumang pagbabago sa Mga Tuntunin na ito, ang tanging remedyo mo ay ihinto ang iyong paglahok sa Programa (hal., itigil ang pag-access sa pagtanggap o pag-redeem ng points), o kaya ay ihinto ang paggamit sa App. Sa kabila ng naunang nabanggit, hindi babaguhin ang Mga Tuntunin na ito para magdagdag ng bayarin sa paglahok nang hindi nagbibigay ng paunang abiso tungkol dito.
e. Ang bawat User ang responsable para sa paggawa ng secure na Account at sa pagpapanatili ng seguridad ng account na iyon. Kung na-breach ng isang User o ng iba pang third party ang seguridad ng impormasyon ng account, hindi mananagot ang County para sa hindi wastong pag-access sa Account, o para sa mga pagbabago sa isang Account ng ibang User o third party. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi responsibilidad ng County ang pagbabalik ng nawalang County Points o anumang pinsala o kawalan na natamo ng User bilang resulta ng naturang hindi awtorisadong pag-access. Kung may napag-alaman kang anumang mapanloko o hindi awtorisadong aktibidad sa iyong Account, dapat ay iulat mo ang mapanloko o hindi awtorisadong aktibidad sa County sa pamamagitan ng pagsulat, ibigay mo sa County ang nauugnay na impormasyon, at makipagtulungan ka sa County kaugnay ng naturang aktibidad.
f. Bukod sa iyong iba pang pagsasaad at pagpapatunay sa Mga Tuntunin na ito, isinasaad at pinapatunayan mong hindi mo ia-access o gagamitin ang App o hindi
3
ka lalahok sa Programa upang magsagawa ng anumang ilegal, mapanloko, o iba pang ipinagbabawal na aktibidad. Nakalaan sa County ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na tanggalin ang naibigay na County Points, maging pigilang mag-enroll, suspindihin, at/o alisin sa Programa ang sinumang User sa anumang dahilan, kasama ang anumang County Point na hindi dapat naibigay, o kung sakaling magkaroon ng anumang pinaghihinalaang panloloko, pang-aabuso, o maling paggamit kaugnay ng Programang ito.
3. Mga Reward
a. Pagtanggap ng County Points. Nakakatanggap ang isang User ng County Points sa pamamagitan ng pagsali sa Alok na Reward at pagsasagawa ng Mga Kwalipikadong Pagkilos tulad ng tinukoy sa Alok na Reward at alinsunod sa mga tuntunin ng Alok na Reward at Mga Tuntunin ng Paggamit. Hindi maaaring i transfer ng Mga User ang County Points sa sinupamang User.
b. Mga Kwalipikadong Pagkilos: Maaaring lumabas paminsan-minsan sa App ang Mga Alok na Reward, na nagtatalaga ng ilang partikular na Kwalipikadong Pagkilos na magbibigay-daan sa Mga User na tumanggap ng County Points at ng mga tuntunin sa paglahok sa isang partikular na Alok na Reward. Maaaring hilingin ng County sa Mga User na magsagawa ng ilang partikular na aktibidad upang makatanggap ng County Points. Kasama sa mga halimbawa ang, na binabanggit para magsilbing halimbawa at hindi limitasyon, mga sumusunod: (i) makatanggap ng X County Point kapag gumawa ka ng Y Kwalipikadong Pagbili sa isang Merchant, (2) gumawa ng Kwalipikadong Pagbili sa isang Merchant at makatanggap ng katumbas ng X porsyento ng presyong binayaran sa County Points (kinakalkula nang $1 ang halaga ng bawat County Point), o (3) mag-refer ng ibang tao na sasali sa Programa at makatanggap ng X County Point. Ang Mga Alok na Reward ay maaaring mapailalim sa mga indibidwal na patakaran, rekisito, at/o kondisyon gaya ng tinukoy sa App. Ang Mga Alok na Reward ay maaaring tumagal lang sa loob ng isang partikular na panahon at mayroong na predetermine na petsa ng pagwawakas. Responsibilidad ng Mga User na suriin ang App para sa mga patakaran, paghihigpit, at petsa ng pagwawakas ng Alok na Reward.
c. Mga Kwalipikadong Pagbili: Kapag tinukoy sa isang Alok na Reward na kasama sa Mga Kwalipikadong Pagkilos ang Mga Kwalipikadong Pagbili, malalapat ang mga sumusunod na kondisyon at rekisito upang makatanggap ng County Points para sa Mga Kwalipikadong Pagbili:
i. Dapat ay mag-link ang Mga User ng kahit isang kwalipikadong debit o credit card (“Payment Card”) sa Account. Pakitandaan na hindi lahat ng debit at credit card ay kwalipikadong ma-link sa Mga Account. Nasa
sariling pagpapasya ng County ang lahat ng pagpapasya kaugnay ng
pagiging kwalipikado ng card. Upang maging kwalipikado bilang
Payment Card, dapat itong manggaling sa isang pinansyal na institusyon ng U.S. Bukod pa rito, maaaring hindi ka makapag-link ng debit o credit card sa iyong Account kung naka-link na ang card sa iba pang third-party na offer program na naka-link sa card. Ang Plaid Technologies, Inc.
(“Plaid”) ay ginagamit sa App upang makalap ang data ng mga user mula sa mga pinansyal na institusyon. Sa pamamagitan ng pag-link ng iyong
4
Payment Card, sumasang-ayon ka na maaaring tingnan ng Colu at Plaid ang mga transaksyong ginawa mo sa pamamagitan ng Payment Card, at sumasang-ayon kang maaaring kumilos ang Plaid sa ngalan mo upang i access at i-transmit ang iyong personal at pinansyal na impormasyon mula
sa nauugnay na pinansyal na institusyon. Sumasang-ayon ka rin sa paglilipat, pag-store, at pagpoproseso ng Plaid ng iyong personal na impormasyon alinsunod sa Patakaran sa Pagkapribado ng Plaid na matatagpuan DITO, at ng Colu alinsunod sa Patakaran sa Pagkapribado ng Colu na matatagpuan DITO.
ii. Makakatanggap lang ng County Points para sa isang Kwalipikadong Pagbili sa isang Alok na Reward kapag natutugunan ang mga sumusunod na kondisyon: (i) bumili ang User sa isang Merchant na itinalaga ng County sa Alok na Reward sa App, sa anumang panahong tinukoy ng County sa Alok na Reward, at alinsunod sa mga tuntunin ng Alok na Reward; (ii) lumabas ang naturang pagbili sa mga record ng Payment Card na naka-link sa naturang Account ng User na ibinigay sa Colu ng Plaid na isang third party na provider ng impormasyon ng account sa pagbabayad; at (iii) dapat matukoy ang basehang transaksyon ng naturang pagbili at dapat itong ma-verify ng Colu, at (iv) na-verify ang naturang pagbili bago maabot ng Alok na Reward ang anumang ipinabatid na limitasyon, termino ng pag-expire, o maximum na antas ng paglahok. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginawa, maaaring magkaroon ng mga error sa proseso ng pagtukoy ng mga kwalipikadong pagbili, at bilang resulta nito, maaaring hindi maging tama ang reward na awtomatikong ibinibigay sa mga account ng mga user. Makipag-ugnayan sa mga serbisyo sa customer support sa [email protected] kung sa tingin mo ay may ganitong error, para sa mas masusing imbestigasyon. Nakalaan sa County ang karapatang humingi ng karagdagang ebidensya mula sa User upang makumpirma ang Kwalipikadong Pagbili. Kung sakaling walang sapat na ebidensya upang suportahan ang Kwalipikadong Pagbili o mayroong hindi malisyosong hindi pagkakatugma sa pagiging kwalipikado ng
Kwalipikadong Pagbili (hal., maraming pagbili na ginawa nang sabay sabay), maaaring hindi makatanggap ang User ng County Points para sa naturang pagbili, sa sariling pagpapasya ng County.
iii. Ang pagkakakilanlan ng mga merchant na itinalaga sa isang Alok na Reward para sa Mga Kwalipikadong Pagbili ay maaaring magbago sa termino ng Alok na Reward. Para sa kasalukuyang listahan ng mga itinalagang merchant, tingnan ang Alok na Reward sa App.
iv. Pag-track: Karaniwang lalabas ang natanggap na County Points sa Account ng User sa loob ng sampung (10) araw ng negosyo mula noong naisagawa ang Mga Kwalipikadong Pagkilos tulad ng tinukoy sa Alok na Reward. Mata-track ng Mga User sa App ang bilang ng County Points na natanggap at ibinigay sa kanilang Account, pati na rin ang bilang ng County Points na naibawas sa kanilang Account sa pamamagitan ng pag redeem.
d. Limitasyon ng User Account. Katumbas ng hindi lalampas sa Dalawang Libong Dolyar ($2,000) ang promotional value, na nasa anyo ng County Points o iba pa, na maaaring iugnay sa Account ng sinumang Indibidwal na User sa anumang
5
partikular na araw. Nangangahulugan ito na hindi maaaring lumampas sa $2,000 ang promotional value na matitira sa at na-redeem mula sa Account pagkalipas ng isang araw kapag pinagsama. Kung kaya, hindi makakagawa ang User ng transaksyon (indibidwal man o pinagsama-sama) na lampas 2,000 County Point kada araw, at hindi siya maaaring magkaroon ng lampas 2,000 County Point sa kanyang Account sa anumang partikular na pagkakataon. Nakalaan sa County ang karapatang itakda at baguhin ang mga limitasyon ng Account, nang walang paunang abiso.
4. Pag-redeem.
a. Mga Redeeming Merchant. Ang Mga User ay maaaring magbayad para sa mga produkto at serbisyo o magbigay ng mga kontribusyon sa Mga Redeeming Merchant sa pamamagitan ng paggamit sa App para i-access at i-redeem ang County Points na mayroon sila sa kanilang Mga Account. Magagawa ito ng Mga User sa Mga Redeeming Merchant sa pamamagitan ng paghiling na i-redeem ng Redeeming Merchant ang County Points ng User at ilapat ang mga ito sa kabuuan o bahagi ng presyong binayaran para sa anumang produkto o serbisyo na iniaalok ng Redeeming Merchant, o bilang kontribusyon. Ang Mga User ang magtatakda ng halaga ng promotional value, na nasa anyo ng County Points, na ire-redeem ng Redeeming Merchant kaugnay ng pagbili sa mga produkto o serbisyo ng Redeeming Merchant; sa kondisyong hindi maaaring mag-redeem ang User ng County Points na lampas sa Limitasyon ng User Account na inilalarawan sa itaas. Nakalaan sa County ang karapatang itakda at baguhin ang mga limitasyon sa pag redeem, nang walang paunang abiso.
b. Mga Refund
i. Hindi magbibigay ng mga refund nang cash at hindi makakapag-redeem ng County Points kapalit ng cash.
ii. Kung kakanselahin sa anumang dahilan ang isang transaksyon ng
Kwalipikadong Pagbili na nagresulta sa pagbibigay ng County Points sa Account ng User (hal., batay sa isang pagsasauli, charge back, dispute, o iba pang paghiling ng refund para sa Kwalipikadong Pagbili kung saan natanggap na ng User ang County Points), maaaring ibawas sa balanse ng County Points sa naturang Account ng User ang dami ng mga reward na natanggap para sa nakanselang transaksyon. Kung hindi sapat ang balanse sa Account upang mabayaran ang halaga ng pagkansela, mapupunta sa negative na status ang Account at hind magke-credit ng kahit anong
bagong County Points hanggang sa makatanggap at mabigyan ng County Points sa hinaharap na sapat upang mabayaran ang negative na balanse ng County Points.
iii. Maliban kung malinaw na itinakda sa Seksyon 4(b)(iii) na ito, ang lahat ng pag-redeem ng County Points ay pinal at hindi mababawi. Kung binawi ang pag-redeem ng County Points dahil sa isang teknikal na error ng User (kasama ang, na binabanggit para magsilbing halimbawa at hindi
limitasyon, pagsasama ng maling Redeeming Merchant bilang bahagi ng naturang transaksyon), ike-credit ng County sa naaangkop na Account ng User ang bilang ng County Points na na-redeem ng Redeeming Merchant sa naturang binawing transaksyon, sa kondisyong iniulat ang naturang
6
error sa Colu sa loob ng dalawang (2) araw ng negosyo pagkalipas ng
naturang pag-redeem. Kung binawi ang isang transaksyon na may
kinalaman sa pag-redeem ng County Points sa anupamang dahilan
(kasama ang, na binabanggit para magsilbing halimbawa at hindi
limitasyon, pagsasauli ng mga biniling produkto o pag-refund ng presyong binayaran para sa mga serbisyong ibinigay), o kung hindi iniulat ang
teknikal na error ng User sa Colu sa loob ng panahong itinakda sa naunang pangungusap, pagkakasunduan ng User at Redeeming Merchant ang mga tuntunin ng naturang pagbawi, at sila ang magreresolba sa anumang hindi pagkakasundo na nauugnay doon, at hindi magiging pananagutan ng
County o Colu ang pag-credit o pag-debit sa Account ng User o Mga
Account ng Merchant kaugnay ng naturang pagbawi.
5. Pagkapribado
Ang lahat ng impormasyong nakuha sa User sa paggawa ng Account, paglahok sa Programa at Mga Alok na Reward, paggawa ng Mga Kwalipikadong Pagbili, paggamit ng County Points, at iba pa gamit ang App ay pinapangasiwaan at ipinoproseso ng Colu alinsunod sa Patakaran sa Pagkapribado ng Colu na matatagpuan DITO.
6. Impormasyon sa App at Impormasyon, Mga Serbisyo, at Mga Link ng Third Party
a. Ang impormasyong ipinapakita sa App ay ginawang available para lang magbigay ng pangkalahatang impormasyon. Hindi matitiyak ng County o ng Colu ang katumpakan, pagiging kumpleto, o pagiging kapaki-pakinabang ng impormasyong ito. Itinatanggi namin ang lahat ng sagutin at responsibilidad na magmumula sa anumang pagtitiwala mo o ng sinupamang user ng App sa mga naturang material.
b. Ang App ay maaaring may content na ipinagkakaloob ng mga third party, o nakabatay sa impormasyong na-publish sa mga third-party na website o content sa social media at iba pang publication. Ang lahat ng pahayag at/o opinyon na ipinapahayag sa naturang content ay mga opinyon at responsibilidad lang ng mga naturang third party. Hindi kami ang magiging responsable o ang mananagot sa iyo o sa anumang third party para sa naturang content. Bilang paglilinaw, hindi iniendorso ng County at Colu ang alinman sa mga merchant na ipinapakita sa App o ang anumang mensahe at pahayag kaugnay ng mga naturang merchant sa App.
c. Ang App ay may mga link sa mga third-party na website, application, at serbisyo na hindi pagmamay-ari o pinapatakbo ng County o Colu. May hiwalay na mga tuntunin at kondisyon na nalalapat sa Mga Serbisyo ng Third Party. Dapat mong basahin nang mabuti ang mga tuntunin at kondisyon na iyon bago i-access ang anumang Serbsiyo ng Third Party. Hindi responsibilidad ng County o Colu ang mga pagkilos, content, o serbisyo ng mga naturang third party.
7. Pagbabago at Pagwawakas
a. Nakalaan sa County ang karapatang baguhin, suspindihin, o ipatigil ang lahat ng o anumang bahagi ng App o Programa anumang oras, nang walang paunang abiso o sagutin. Kasama rito ang karapatang baguhin, susugan, kanselahin, i-delete, palitan, o wakasan ang Programa o anumang Tuntunin ng Programa sa anumang
7
paraan anumang oras, sa sariling pagpapasya ng County, kung saan kasama ang, ngunit hindi limitado sa, mga tuntunin na naaangkop sa pagiging kwalipikado para lumahok, mga value ng County Points, mga redemption value, mga panuntunan para sa pagtanggap o paggamit ng County Points, o anupamang aspeto ng Programa. Maaaring maapektuhan ng mga pagbabagong ito ang County Points na natanggap na, pati ang pagkakataong gamitin ang naturang County Points o ang redemption rate ng mga ito.
b. Maaaring suspindihin o wakasan ang isang Account anumang oras at sa sariling pagpapasya ng County. Kapag winakasan sa anumang dahilan at ng anumang partido, makakansela ang mga balanse sa User Account.
c. Maaaring wakasan ng Mga User ang kanilang Mga Account anumang oras sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa [email protected]. Hindi maaaring wakasan ng Mga User ang Mga Account kung nasa negative na status ang mga ito. Tingnan ang 4(b)(ii) sa itaas. Dapat manatiling bukas ang mga ito hanggang sa maging zero (0) ang balanse ng mga ito o hanggang sa wakasan ng County, o hanggang sa matapos ang Programa, alinman ang mauna.
8. Limitasyon ng Sagutin
a. Walang ginagawang anumang uri ng garantiya, pagpapatunay, o pagsasaad ang County tungkol sa App at mga serbisyong ipinagkakaloob sa pamamagitan ng App, kasama ang Programa, maliban kung malinaw na isinasaad sa Mga Tuntunin na ito. Hindi mo papanagutin ang County at mga opisyal, direktor, iniluklok na opisyal, affiliate at ahente nito, at Mga Merchant sa lahat ng sagutin tungkol sa pagtanggap, pag-redeem, at paggamit ng County Points, pati ang anumang reward na maaaring mawala, manakaw, o masira matapos itong matanggap. Ang Mga Merchant ay mga independiyenteng contractor at hindi mga ahente o kinatawan ng County. Maaaring magkakaiba ang pag-redeem sa Redeeming Merchant. Hindi responsibilidad ng County ang, at wala itong sagutin sa, mga pagkilos o tungkulin sa pag-redeem ng isang Redeeming Merchant. Walang anumang bagay sa Programa o sa Mga Tuntunin na ito ang ginawa upang gumawa ng anumang agency, partnership, o joint venture sa pagitan ng County at anumang Merchant. Kung hindi ibinigay ng anumang Merchant sa sinumang User ang anumang benepisyong dapat niyang matanggap sa ilalim ng Programa, kahit na dapat itong ibigay, ang sagutin ng Merchant o ng County ay limitado sa fair market value ng hindi ibinigay na benepisyo, tulad ng tinukoy ng County o Colu.
b. IPINAGKAKALOOB NG COUNTY ANG ANUMAN AT LAHAT NG SERBISYO SA PAMAMAGITAN NG APP, PATI ANG PROGRAMA, NANG “WALANG BINABAGO”, AT HANGGANG SA SUKDULANG
PINAPAHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, MALINAW NITONG ITINATANGGI ANG ANUMANG URI NG PAGPAPATUNAY, HAYAGAN MAN O IPINAHIWATIG, NA KINABIBILANGAN NG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, PAGPAPATUNAY NG KAKAYAHANG
MAIKALAKAL, KAANGKUPAN PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, DISENYO, KATUMPAKAN, KAKAYAHAN, KAHUSTUHAN, KAANGKUPAN, KAPASIDAD, PAGIGING KUMPLETO, O PAGIGING AVAILABLE.
8
c. Sumasang-ayon kang hindi isinaad ng County na (1) magsasama ang Programa ng anumang partikular na produkto o serbisyo, (2) hindi mapuputol, walang
pagkukulang, o walang error ang Programa at anupamang serbisyong
ipinagkakaloob sa pamamagitan ng App, o (3) iwawasto ang mga depekto at isasakatuparan ang mga pagbabago. SA ANUMANG SITWASYON, KASAMA ANG, NGUNIT HINDI LIMITADO SA, SARILING KAPABAYAAN NG COUNTY, HINDI MANANAGOT ANG COUNTY PARA SA ANUMANG DIREKTA, HINDI DIREKTA, NAGKATAON, ESPESYAL, INAASAHAN, O MAPAGPARUSANG PINSALA NA MAGMUMULA SA PROGRAMA, KAHIT NA PINAYUHAN ANG KINATAWAN NG COUNTY TUNGKOL SA POSIBILIDAD NG MGA NATURANG PINSALA. Kung sakaling papanagutin ang County para sa anumang pagkilos, pagkakamali, o pagkukulang na nauugnay sa Programa, ang iyong tangi at eksklusibong remedyo ay limitado sa
reimbursement para sa mga serbisyo o produktong binayaran mo ngunit hindi mo natanggap sa ilalim ng Programa, o pagbibigay ng County Points sa ilalim ng Programa bilang danyos, kung ito ang pipiliin ng County. Sumasang-ayon kang isuko ang anumang uri ng claim o aksyon sa anumang forum na hindi sinimulan at inihain sa County sa loob ng dalawang (2) taon pagkatapos ng unang beses na mangyari ang ganoong uri ng pagkilos, pangyayari, kondisyon, o pagkukulang kung saan ibinatay ang claim o aksyon.
9. Mga Pangkalahatang Probisyon
a. Sumasaklaw na Batas. Ang mga batas ng estado ng California at pederal na batas ang sumasaklaw sa Mga Tuntunin na ito at sa anumang aspeto ng iyong ugnayan sa County sa ilalim ng Programa. Ang mga ito ang sumasaklaw nang hindi isinasaalang-alang ang anumang prinsipyo sa salungatan ng batas na magdudulot ng paglalapat ng basehang batas ng ibang hurisdiksyon.
b. Kawalan ng Bisa. Kung walang bisa o hindi maipapatupad ang anumang probisyon ng Mga Tuntunin na ito, ang lahat ng natitirang probisyon dito ay mananatiling may buong puwersa at bisa. Kapag hindi ginamit ng County ang alinman sa mga karapatan nito sa ilalim ng Mga Tuntunin na ito, hindi ito nangangahulugang isinusuko nito ang mga naturang karapatan sa anupamang pagkakataon.
---------------------------
MGA KARAGDAGANG TUNTUNIN AT KONDISYON NG COLU PARA SA PAGGAMIT NG APPLICATION
[Magsasama ng mga karagdagang tuntunin sa pagitan ng Colu at ng User, gaya ng lisensyang gamitin ang App, mga paghihigpit sa mga ipinagbabawal na paggamit, limitasyon ng pananagutan atbp.].
9